Gutom at Pag-asa (Talumpati para sa Bayan)
Ni: G.Mark Kevin Montoya
Gutom naba kayo?
Lahat tayo ay nakakaranas ng kagutuman. Subalit, lahat tayo ay ayaw malipasan ng gutom. Minsan kapag nagugutom ang isang tao, kahit anong ihain kakainin ito. Subalit, kailan ba tayo nakararanas ng kagutuman? Kapag ba walang pagkain na maihain sa atin? Kapag ba ang pagkain ay maalat o dili kaya ay walang lasa at tinatanggihan natin? Satuwing tayo ay nakakalimot harapin ang pagkain? O sadyang pagkain ay ipinagdadamot talaga sa atin? Subalit anong klase ng pagkain nga ba ang dahilan ng labis nating kagutuman?
Sa panahon ngayon napakarami ng kagutuman ang nararanasan ng tao. Gutom sa EDUKASYON na nais mag-aral subalit walang pampaaral; gutom sa SARIWANG HANGIN dahil sa polyusyon; gutom sa HUSTISYA dahil sa maling bintang sakanila; gutom sa ASENSO dahil sa kurapsyon; gutom sa PAMUMUNO dahil sa baluktot na pamamahala; gutom na MAKAPAGTRABAHO dahil sa kahirapan; gutom sa PANANAMPALATAYA dahil sa kakulangan ng espirituwalidad; at gutom sa KALAYAAN dahil sa pandemyang nararanasan.
Sa mundong ating ginagalawan napakahirap maintindihan, kumbakit problema ay kayhirap solusyunan—tila ba isang suntok sa buwan. Pagsugpo sa kagutuman at kahirapan; kaliwa't kanang diskusyon sa kapayapaan at pagunlad ng bayan. Maayos na pamamahala at pagunlad ng ekonomiya ang hinihiling upang bayan "daw" ay umasenso; ngunit ito nga ba ang "keso" na magpapasarap sa lipunang meron tayo? Sa labing anim na ang naluklok at daan-daan naman ang nasa tuktok, subalit milyon-milyong tao naman ay patuloy na lugmok? Aanhin pa ba ang gaterbang libro kung bulag naman ang magbabasa nito? Aanhin paba ang pinggan ng kaunlaran kung patuloy tayong nakagapos sa kamay ng ibang bayan? Aanhin paba ang bilyon-bilyong denario na meron tayo kung gamit naman nito ay pambangko? Aanhin paba ang ulan ng kasarinlan kung sarling bayan ay pinapabayaan.
Lahat tayo ay gutom; nangangalam ang sikmura sa pandemyang ating nararanasan. Subalit, kailangan natin itong labanan, dahil hindi pa rito natatapos ang lahat—hindi pa ang wakas nito. Marahil yung iba ay nagkukumahog nang manumbalik tulad ng dati. Napakarami nating kagutuman na nararanasan—isa lamang itong patunay na dapat manatili tayong kumapit sa Poong Maykapal manikluhod at magdasal.
Kung tutuusin lahat tayo ay mapalad sapagkat tayo mismo ang magsisilbing "Kanin at Ulam" na magpapabusog sa mga taong gutom sa lipunan. Ang mga Talento, Abilidad, Karunungan at Kasipagan. Ang magsisilbing "Kutsara at Tinidor" na maghahatid sa mayabong at matiwasay na lipunan. Marahil ang iba sa atin ay gustong magsilbi bilang GURO, PULIS, DOKTOR, INHINYERO, ABOGADO, PRESIDENTE at PARI balang araw. Ngunit paano nga ba ito mapangyayari at matutupad? Kung sa simpleng disiplina sa sarili ay hindi kayang pangatawanan; Pangangalaga sa kalikasan ay inaayawan; Mga simpleng batas ay hindi masundan; Pagtulong sa kapwa ay tila isang problema sa sipnayan; pagsamba at pagdarasal sa Diyos ay kinakalimutan. Tama na marahil ang pagbubulag-bulagan; mga pagkukunwari at pagtalikod sa responsibilidad bilang tao at mamamayan—upang matamo natin ang tunay na kaunlaran. Simulan na natin ang pagbabago hindi bukas at sa susunod na linggo. Nasa kamay na natin ang pag-asa upang tayo ay makaahon sa masalimuot na ating kinahaharapan.
Bawat isa sa atin ay may kakayahan upang mapagtagumpayan ang bawat suliranin sa buhay. Hindi man manumbalik ang dati nating nakasayanan—subalit manumbalik nawa ang pagkakaisa at kapayapaan. Kapayapaan sa ating puso at isipan. Maging masaya ang lahat—nagbibigayan at nagdadamayan. Hindi ba ito ang simbolo ng PAGMAMAHALAN?
Lahat tayo ay may agam-agam at takot sa sarili, kung hindi natin ito lalabanan tayo rin ang magsisisi sa huli. Natural lang na tayo ay magutom subalit hindi natural sa atin ang sumuko. Natural lang na tayo ay nawawalan ng pag-asa, subalit hindi natural sa atin ang humintong mangarap at magpatuloy upang makamit ang inaasam sa buhay.
Magsilbi nawa tayong inspirasyon sa iba na animo isang pinggan na samo't-saring pag-asa.
Naniniwala ako sa kasabihan, "Hindi pagtalikod at pagsuko ang sagot sa mga problema. Kung hindi pagtindig at pagbangon, handang harapin ito ng may pagtitiwala sa sarili at pananalig sa Diyos na dakila."
Dahil sa gitna ng kagutuman meron parin maihahain sa bawat butil ng pag-asa.
__________________________ _
Inihahandog ko ang talumpating ito sa pagdiriwang ng Araw ng Pandaigdigang Sangkatauhan (International Humanity Day) 2020. Nawa'y magsilbing aral at inspirasyon sa iba.
Mabuhay at Salamat sa pagbasa😇🙏
©Mark Kevin Montoya | WCHHD Ambassador
Republic of the Philippines | July 22, 2020
#IHD #WCHHD #WeHealAsOne #Pilipinas🇵🇭

__________________________

Kelaparan dan Harapan (Pidato untuk Bangsa)
Tidak ada: G Mark Kevin Montoya
Apakah kamu lapar?
Kita semua mengalami kelaparan. Tapi kita semua tidak ingin melewati kelaparan. Terkadang ketika seseorang lapar, berapa pun yang disajikan. Tapi kapan kita mengalami kelaparan? Ketika tidak ada makanan untuk melayani kita? Apakah ketika makanan asin atau tidak hambar dan kita menolak? Kapan kita lupa berurusan dengan makanan? Atau apakah makanan benar-benar egois terhadap kita? Tapi makanan apa yang menjadi alasan untuk kelaparan ekstrem kita?
Jaman sekarang orang banyak kelaparan Lapar PENDIDIKAN yang mau belajar tapi tidak punya sekolah; lapar angin SEGAR akibat polusi; lapar akan KEADILAN karena tuduh palsu; lapar akan KESUKSESAN karena korupsi; lapar akan KEPEMIMPINAN karena tata kelola bengkok; lapar KERJA karena kemiskinan ; lapar akan IMAN karena kurangnya spiritualitas; dan lapar akan KEBEBASAN karena pandemi yang dialami.
Di dunia kita bergerak, sulit untuk dimengerti, tapi masalah yang sulit untuk diselesaikan-seperti pukulan ke bulan. Penindasan kelaparan dan kemiskinan; diskusi kiri dan kanan tentang kedamaian dan pembangunan bangsa. Manajemen dan pengembangan ekonomi yang baik adalah apa yang dibutuhkan bagi bangsa '' untuk menjadi sukses; tetapi apakah itu keju '' yang akan membuat masyarakat yang kita miliki enak? Enam belas dilantik dan ratusan berada di atas, tetapi jutaan orang terus runtuh? Apa yang akan dilakukan buku gaterbang jika yang akan membaca ini buta? Apa yang akan dilakukan pelat pembangunan jika kita terus terikat di tangan orang lain? Apa yang akan kita miliki milyaran denarius jika digunakan sebagai bank? Apa lagi hujan pernikahan kalau di negri ini terabaikan
Kita semua lapar; perut mengganggu pandemi yang kita alami. Tapi kita perlu melawan ini, karena belum berakhir-belum akhirnya. Mungkin ada yang bisa kembali seperti biasa. Kami memiliki begitu banyak rasa lapar yang kami alami-ini hanyalah satu bukti bahwa kami harus tetap berpegang teguh pada Yang Mahakuasa bersujud dan berdoa.
Sesungguhnya kita semua diberkati karena kita sendiri yang akan melayani sebagai '' Nasi dan Hidangan '' yang akan membuat orang lapar di masyarakat. Bakat, Kemampuan, Kebijaksanaan, dan Kerjakeras. Orang yang akan berfungsi sebagai '' sendok dan garpu '' yang akan menyebabkan masyarakat yang arogan dan tenang. Mungkin sebagian dari kita ingin menjabat sebagai GURU, POLISI, DOKTER, INHINEER, LAWER, PRESIDEN, DAN PRIEST suatu saat nanti. Tapi bagaimana ini bisa terjadi dan terpenuhi? Jika disiplin diri sederhana tidak dapat ditertawakan; Peduli alam tidak diinginkan; Hukum sederhana tidak dapat diikuti; Membantu orang lain tampaknya menjadi masalah dalam situasi; beribadah dan berdoa kepada Tuhan dilupakan. Mungkin cukup untuk menyilaukan; kemunafikan dan berpaling tanggung jawab sebagai manusia dan warga negara-agar kita dapat mencapai perkembangan yang nyata. Mari kita mulai perubahan bukan besok dan minggu depan. Harapan itu ada di tangan kita agar kita bisa pulih dari rumit yang kita hadapi.
Setiap dari kita memiliki kapasitas untuk mengatasi setiap masalah dalam hidup. Kebahagiaan lama kita mungkin tidak akan kembali-tetapi semoga kesatuan dan kedamaian dipulihkan. Kedamaian di hati dan pikiran kita. Semua orang berbahagia-memberi dan saling. Bukankah ini simbol CINTA?
Kita semua punya keraguan dan ketakutan pada diri sendiri, jika kita tidak melawan kita akan menyesal pada akhirnya. Wajar kita lapar tapi menyerah tidak wajar bagi kita Memang wajar kita kehilangan harapan, tapi tidak wajar bagi kita untuk berhenti bermimpi dan terus mencapai apa yang diharapkan dalam hidup.
Semoga kami menyajikan inspirasi bagi orang lain bahwa Anda memiliki sepiring harapan.
Saya percaya pada kata pepatah, '' Tidak berbalik dan menyerah adalah jawaban dari masalah. Jika tidak berdiri dan bangkit, siap menghadapinya dengan keyakinan diri dan yakin kepada Allah yang maha besar."
Karena di tengah-tengah kelaparan masih ada sesuatu yang harus disajikan di setiap butiran harapan.
___________________________
Saya mendedikasikan pidato ini untuk merayakan Hari Kemanusiaan Dunia (Hari Kemanusiaan Internasional) 2020. Semoga Anda menjadi pelajaran dan inspirasi bagi orang lain.
Panjang umur dan Terima kasih telah membaca 😇🙏
© Mark Kevin Montoya | Duta Besar WCHHD
Republik Filipina | 22 Juli 2020
Tidak ada komentar:
Posting Komentar